alvinliciously ideas! =]

My Photo
Name:
Location: Valenzuela, NCR, Philippines

There's nothing in my life except that I'm an artistic one! =)

Thursday, January 21, 2010

Repost. Candidacy Speech ko last Election.

"the quality of a true leader is reflected by the standards they set for themselves"
Im Jhon Alvin Deniega running for the presidency for B.A student council.

If ever na kame ang mauupo sa konseho, ang TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, tatlong bagay lamang ang sinisugurado kong mangyayare:

1. Transparency-Transparency in terms of what? In terms of accounts. Ako bilang isang accounting major ay gusto ko hanggat maari na maaccount ang lahat ng pera na dumarating sa aking konseho. Para ang 30php na binabayaran nyu sa Student Council Fund ay mabigyan ng seguridad na mapaalam sa inyo kung saan napupunta ang mga ito. Dahil hindi kaila sa ating lahat na hindi naten nakikita ang mga gastos na nakukuha ng kasalukuyang konseho.

2. Accessibility-As much as possible gusto ko ay maging accessible aku lahat ng estudyante hindi lamang sa kolehiyong kinasasakupan ko. Isa lamang akong simpleng estudyante at pag ako ay naupo sa konseho walang magbabago. Nasa corriddor padin ako at nasa labas ng Unibersidad upang makasigurado na lahat ng suhestiyon ng mga mag aaral ay mabigyang aksyon.

3. Independency-As much as possible ayaw namen na maging idependent body ang konseho meaning ayaw namen na kame lamang ang nakakaalam ng mga bagay na nagyayare sa loob ng konseho. Gusto namen na mainvolve ang mga estudyante sa mga proyektong nais nila. Hanggat maari ayaw namen na samen magmula ang mga proyekto. Nais namen na sa mga estudyante mismo magsimula ang mga gusto nilang proyekto dahil sa unang punto sila ang makikinabang sa mga ito. Nandito lamang kame upang bigyang kilos ang inyong mga proyekto.

Both parties promotes change and no doubt about it. I think the only difference between TINIG and TUGON is that we, TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, involve ourselves in the out of schools isssues. We don't limit ourselves sa mga bagay na alam nameng kaya pa nameng gawin.

And one thing I would like to clarify is that we are not "JUST" activist. In fact there is nothing wrong against activism for as long as you know for yourself what youre fighting for. Actually those who oppose activism lives with a false consciousness of reality. Let us try to react on the things that involves us. Wag nateng sanayin ang sarili nateng makinabang sa mga bagay na hindi naten pinaghirapan. Tayo mismo ay tumulong sa pagbababgong ninanais ng lahat.

This coming March 12 go out and vote because definitely your vote will make a difference. Again, please help us, all of us, lets revive the lost SAGA of TINIG ng SILANGAN PARTY ALLIANCE, lets make HISTORY ONCE AGAIN!

Muli ako po si Jhon Alvin Deniega tumatakbong Presidente ng Business Administration Student Council sa ilalim ng partidong TINIG ng SILANGAN.

[complete campaign speech ku. pinost ku to kase inde aku nakapagcampaign sa section naten ^^.. heheh ^^ sayang inde kayu nanuod ng meeting de avance]

Nirepost ko lang. Wala lang. Sinasariwa ko lang ang mga panahong nakamit ko ang walang kasingtamis na tagumpay. Malapit na naman ulit ang susunod na eleksyon. At ayun, nangangamoy POLITICS na naman. Haha. Next ko ipopost is yung winning speech ko. Weee. <3

Labels:

Friday, December 25, 2009

Brand New.

Hello World.

Just woke up. So tired from the christmas party last night but on the other hand it was a self-fulfilling success for me.

Realization.

We should not forget that Christmas is not just about cebrating, partying, drinking and enjoying. For me, it's more on about spending time with our dear Lord since it's his birthday. We should not forget the real thought of what Christmas is. Loving, giving, and living the life through his words. For now, I'm happy because I celebrated my Christmas together with my family, relatives, cousins and few more family friends. It was indeed a new Christmas experience for me and I'm looking forward for another same happy Christmas celebration next year.

Lets eat peeps. Lots of foods during Christmas. Love it. <3

Labels:

NEW BLOGGER ACCOUNT. PLS FOLLOW AND VISIT MY NEW SITE.

www.truthaboutstars.blogspot.com

MERRY XMAS.! <3

Christmas Day.

Happy Holidays! =)

Ayun. Katatapos lang ng Family Christmas Party namen. 3hrs after na to be exact. It's fun naman. As usual. As expected. Complete family and relatives and few more guests. Kakaiba itong party na inorganize ko this year. It's a combination of the past, the present, and the future. Medyo pagod pa nga ang lalamunan ko kesa sa katawan ko. Natural ako pa rin ang master of the ceremonies. Parang wala namang bago. It's the same old rockin' job. Kaso the sad part is still for charity ko pa din sya ginagawa. No talents fee. No appearance charge. Just free.

Remembering.

That's one of the concept na ginawa ko sa party namen kanina. Pinagsama-sama ko lahat ng mga ideas na ginawa ko dati sa mga past parties namen. Raffles. Games. Bands. Exchanging Gifts. Audio Visual Presentations. Live Coverage. And More. Syempre as the head of the whole production, masaya naman ako kasi naging successful ulit ang event of course with the help of my cousin na ginawa kong committee. Nakakatuwa kasi hindi ko akalaing didibdibin nila yung mga task na binigay ko. Swear. Seryoso sila. From the technicals, floor directors, food committee, runners, back drop and floor plan artist at syempre yung role ko na program coordinator. It all falls to their right places.

Perfect.

As a conclusion, the entire family went back home as happy as they should. Syempre the kids too. Wala isa man sa kanila ang umuwing talunan. Baket? kase even talo yung mga kids sa games meron pa din silang consolation prizes and to take note cash basis lahat ng pinamigay ngayon. Ako lang ata yung talo kasi hindi ako makasali sa mga games since emcee nga ako. Pero the good thing is I won the MR. Glamour of the Night. 100php din yun. Haha. Our parents too went home happily because all of them won the raffle draw except for those who bring the consolation prizes. Meron kasi kameng inihandang 10 raffle prizes. 5 consolations which compose of vases and 5 major prizes which compose of toiletries, instant meals/canned goods, cooking ingredients, noche buena package and half sack of rice as the grand prize. Of course my family gets the grand prize. Swerte pero malas na din in a way. Kakabili lang talaga kasi namen ng rice. Sayang. Mali ang timing. Pero we're lucky na din. Most of the families kasi gusto makuha yung mga cooking ingredients and materials or yung noche buena packages. I dont know why pero siguro mas material yun para sa kanila. The other family? Just vases for their home sweet home.

It was indeed a job well done for me. Conceptualizing the whole event. As usual I learned something new. From AVP making and Doxology presentation. It's so nice for me to see them laugh and I'm looking forward for another Christmas celebration.

Opps. Before I end this. I just want to inform all of you that I created this new blog. I will repost all my entries from www.frailty14.blogspot.com to here. But still you can visit my old blogger account but new post will be posted here at www.truthaboutstars.blogspot.com.

GOOD NIGHT GUYS. HAVE A MERRY CHRISTMAS TO ALL OF YOU. SEE YOU OFTEN HERE.



Labels:

Sunday, December 13, 2009

Ito na siguro yung kaunaunahang pagkakataon na susulat ako sa blog ko ng may kakaibang istorya. Istoryang ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na posibleng mangyari. Nakakalungkot. Nakakapanibago. Nakaka BADTRIP.

Tarantado talaga ang buhay minsan pero sa mga ganitong eksena mo malalaman ang tunay na kulay ng ibang mga tao. Ilang beses ko ng nakitang masaya ang tropa, nag aasaran, nag gagaguhan, nag uululan at nag babadtripan. Pero nuong friday first time kong nakita ang tropang nagluluksa. Ni minsan hindi pumasok sa hinagap ko na dadarating sa puntong uuwi kaming lahat ng 4am galing sa lamay, na gigising na masakit ang katawan dahil sa puyat galing sa lamay at hindi sa kung saang inuman, na iiyak ng sama sama dahil sa kalungkutan at hindi dahil sa sobrang kasiyahan.


Sobrang naapektuhan ako sa pagkawala ng aming kaibigan. First time ko kasi mamatayan ng kaibigan. Hindi ko alam ang gagawin at ang tamang maramdaman. Mahirap pala talaga matanggap yung mga bagay na biglaan. Yung tipong kasama mo lang kagabi na nag bingo, kumaen ng burger at umuwi tapos pagkagising mo bukas malalaman mong patay na yung kanina lang kasama mo sa tawanan.

Saturday, November 14, 2009

Beyond the Borderlines.

It's a brand new day.

Yep. Brand new. Ito ang unang pagkakataon na nagsulat ako ng blog sa labas ng aking teritoryo. Natural, dahil ngayon lang ako nagkalaptop. Haha.

Discovering new things.

Wala talaga sa plano ko ngayong araw ang gumala. Ang mamasyal. Ang magliwaliw. At gumastos ng pera. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sakin na lumabas ng bahay. Ayos na sana kaso may hassle pa. Dapat kasi pupunta ako sa condo ng kaibigan ko ang kaso badtrip umihi ang langit. Dyahe. Pinagpawisan ako sa bus. Traffic. Bumper to bumper sa Munoz. Isang oras din akong nakatanga sa bus. Nagsisi nga ako kung bakit pa ako umalis. Alam ko rin naman sa sarili ko na ala akong gagawin sa pupuntahan ko. Umuulan pa din ng makarating ako sa trinoma. Nagdesisyon na ako na huwag ng pumunta sa condo ng kaibigan ko. Naglibot libot na lang ako at bumili ng magazine ng twilight sa powerbooks. Tapos nagwindow shopping na din para makabili ng regalo pamasko. Nakakaurat maglakad sa mall lalo na kung wala kang pera.

Nandito na ako ngayon sa SM. Nagkakape. At tinitingnan ang batang nasa harap ko na nakatitig sa laptop ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya. Pero wala na akong pakialam. Siguro nagagandahan sya sa laptop. Haha. Tae. Hindi ako makapagconcentrate sa sinusulat ko. Sumasayaw kasi yung batang nasa harap ko. Naalala ko tuloy yung sinabe sakin ng kaibigan ko kanina. Sabe nya bakit daw ako lang mag isa ang aalis. Napaisip din ako. Bakit nga ba. Siguro dahil wala din talaga akong niyaya kasi for sure sasabihin nila na "Bakit libre ba?" o kaya naman "Wala akong pera eh." Minsan naiisip ko tuloy pati pala pagkakaibigan nabibili na din ng pera. Pero not most of the times. Minsan lang. MINSAN. Ang totoo, gusto ko din naman kasi na mag isa lang akong umaalis. Badtrip kasi minsan pag may kasama. Hindi mo magawa ang mga gusto mong gawin kasi may karaykaray ka. At isa pa mahirap maghanap ng mga taong may kaparehas mong interes. Ang original plan ko kasi ay pumunta sa gateway at manuod ng indie film. Bibihira lang naman ang mga taong may hilig din sa mga ganoong bagay. Para kasing ang dating BORING. Tulad ngayon naboboring na ako.

Masaya. Malaya. Realaxing. Independent.


Yan ang mga dahilan kung bakit gusto ko mag isa lang akong umaalis.

Opposite.

Akala ko mapapagod ako sa gagawin ko ngayong araw pero nakakatuwa pala. Hindi ko alam kung ano specifically yung nakakatuwa. Yung nagbloblog ako sa mall o yung batang sumasayaw sa harap ko na parang SHOWTIME ! =)

Monday, November 9, 2009

Blue Jeans.

Back to school. Back to work.

Ngayon na lang pala ako ulit nakapagpost ng blog dito sa blogger ko. Nakakamiss din pala. Masyado kasi akong naging busy simula ng last post ko. Ayun. Madaming nangyari. Mahirap idikta lahat.

Politics.

Ayun. Ito ang isa sa mga nangyari sa buhay ko. Isa sa mga pinakamamalaking nangyari na nagpabago sa takbo ng karera ng buhay ko. Masaya at masarap pala maging presidente ng Student Council. Para kang isang superhero na may isang malakas na superpower. Para kang instant celebrity na may biglang babati sayo na hindi mo naman kilala. Nakakataba ng puso pero nung una ko lang yan naramdaman. Masakit din pala sa ulo ang may ganitong titulo sa pangalan. Nakakasira din ng schedule. Nakakasira ng kalusugan. At nakakasira ng buhay ... in a way. Ngayon 2nd semester marami pa akong dapat malaman. Mga bagay na madadala ko kahit saan. Last 4 months na lang bababa na ako sa pwesto ko. Gusto ko masulit ang aking termino. Gusto ko umalis ako na napaglingkuran ang lahat. =)

Home-coming.

Dumating na din ang papa ko nito lang Miyerkules. Masaya sa pakiramdam. May chocolates, pabango, pera at bagong laptop ako. Pero natural hindi yun ang dahilan kung bakit masaya ako. Simple lang naman ang mga nang .....


SAKA KO NALANG ITUTULOY. MAY IMPORTANTE LANG AKONG GAGAWIN.